Alam kong kukwestiyonin ng mga INC ang aking katauhan subalit hindi naman mahalaga kung sino ako hindi ba? Ngunit para sa aking mga kaibigan na binahaginan ko ng blog na ito, alam ninyo kung sino kayo. Alam kong nanghihinayang kayo sa pag-alis ko sa INC subalit higit akong masaya at mapayapa ngayon. Walang tanong na hindi ko nasagot ng mag-isa sa pamamagitan lamang ng Bibliya. Iyon lamang ang susi... naroroon ang sagot subalit higit sigurong makatutulong kung mababasa rin ninyo ang mga nabasa ko. Huwag sanang galit ang inyong paunahin sa inyong mga puso, kilala ninyo ako. Alam ninyong seryoso ako kapag pananampalataya ko ang pinag-uusapan kaya masakit din sa akin na ang relihiyong kay tagal kong pinaniwalaan... mali pala.
I was formerly a youth Deacon for our Lokal. I wouldn't say where dahil kilala ko ang mga INC at kilala ako ng mga galing sa aming lokal. Lumaki ako sa isang INC na tahanan. INC parin ang mga magulang ko at kapatid. Ako lamang ang tumiwalag at ang isa ko pang kapatid. Sa ngayon, halos limang taon na akong malaya at masaya sa aking natagpuang pananampalataya.
My eyes were opened when I read a printed copy of the website www.examineiglesianicristo.com Noon, nagtatanong ako kung bakit palagi akong nananaginip ng masama. I always dream about myself being held by devils in hell. There was this one time when I dreamt that I was being beheaded by devils. I asked them why and they told me that it was because I brought them many souls by being an INC. I ignored those dreams until I realized that those were warnings to me by God.
Ngayon lang ako natakot sa katotohanan na aking natuklasan. Bulag pala ako noon, walang tinatanggap na katuwiran sapagkat ako'y lubos na naniwalang walang daan kundi ang INC lamang. Bulag ako sa karahasan, bulag sa turo sa Bibliya sapagkat naniwala ako noon na hindi ko ito maiintindihan.
Salamat sa Panginoon at nahabag Siya sa akin. Nabuksan ang aking mga mata sa tunay na pananampalataya. Nawalan ako ng mga kaibigan at naranasan kong itakwil ng sarili kong pamilya ngunit higit kong pinahahalagahan ang salita ng Dios na aking natanggap ngayon. Hindi ko ipagpapalit ang kaligtasan na aking natagpuan. Paumanhin ngunit hindi ko ibubunyag kung sino ako, ayokong matulad sa mga taong dumanak na ang dugo. Kung hindi ko sana kilala at kung hindi ako INC noon, baka magpakilala pa ako ngunit alam ko ang kakayahan ng mga taong halos labingwalong taon kong nakasama sa iisang simbahan.
Sa mga dating kapatid ko sa Iglesia, hangad ko lamang ay siyasatin ninyo ang inyong mga sarili. Nakikita ba ninyo ang pag-gawa ng Dios sa inyong mga buhay? Sa ating simbahan? O kayo ba'y nabubulag din lamang ng karangyaan ng ating mga nag gagandahang lokal. Sa mga kaibigan ko noon at kasama sa kapilya na nakababasa nito, alam kong ako'y inyong nakikilala at salamat sa mga mensahe ninyo ng panghihinayang subalit mas nanghihinayang ako sa inyong mga kaluluwa. Hindi pa ako nakadarama ng higit na kalayaan sa buhay ko. Wag sana ninyong hayaan na pangunahan kayo ng galit... bigyan nyo sana ng pagkakataon ang mga bagay na makikita ninyo sa blog ko. Hindi pa huli ang lahat.
readmeinc.blogspot.com
ReplyDeleteyan ang sinasabing mahina ang pananampalataya, congrats po! at nakaalis ka na sa INC...
im just wondering na porke ba nd ka na INC, dapat gagawa ka na ng blog at magququote ng ANTI-INC articles?
nakakatuwa lang po ang mga kagaya nyo, dahil mahina nga ang pananampalataya, napaikot ang utak ng anti-inc articles.
kaya nga sila andyan nd para buksan ang kamalayan ng inc kundi para magsinungaling para umanib sa church nila...
tama ka, hindi pa huli ang lahat para malaman mo ang mga hindi mo pa alam sa inc.
i understand you dahil porke di mo alam ang sagot sa mga akusasyon, at nd naipaliawanag sa yo ng mga ministro kaya ka ganyan. well you can visit my blog alam kong marami ka pang di alam sa inc...
kawawa ka naman...:)
pround tiwalag dw xa,, baka pagdating ng centennial d kna makapagbalik loob
ReplyDeleteNaghimagsik ang iyong puso. May pagkakataon pa upang bumalik sa "arko ni Noeh" sa huling araw---ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Paano mo maiintindihan ang bibliya ng sarili mo lang gayong ang eunuko na palaaral sa bibliya ay tinuruan pa ni Felipe (Aklat ng mga Gawa) at paano ka makakapakinig sa mga hindi isinugo? (Rome 10:15)
ReplyDeleteINC members napikon kasi may nagtiwalag na member. . . kawawa na mga INC. Shame on Manalo
ReplyDeleteWhich is better? and dating daan? A non-God fearing group which leaders have been aggressively speaking indecent words even in front of unaware children audiences? Your religions are very much recent born in this world. Billions of people died long ago and they are all; like us, God's children. Every person has a chance of salvation regardless of age, faith, gender, nationality and economic status. How dare all of you to say you are going to be saved? are you a prophet? Are you foretelling God's judgment? Kahit ano pang sabihin ninyo, kakitiran ng isip ang pinapairal ninyo!!!!
ReplyDeleteINC po ako since birth and hindi ako ganun kaagad naging matibay sa pananampalataya ko, I kept asking questions, curious kasi ako. Pero ngayon, salamat sa Ama, bawat tsismis at detraksyon na naririnig o nababasa ko ay nakakatuwiranan ng mga nababasa ko na talata sa bibliya at syempre lohika na din. (Opo, nagbabasa ako ng bibliya, hindi kami pinagbabawalan)
ReplyDeleteFirst time ko din mabisita yung website na examineiglesianicristo.com na yan. Nung una e, nakakashock, kaya nagsearch ako sa mga forums, todo backread ako dun sa forum na thebereans.net, sa umpisa ng thread mala-high school students ang dating ng mga nagppost doon. Ewan ko nga kung totoong kapatid ba talaga yung mga nandoon at kung totoo din ba yung mga pinagsasabi nilang istorya. May nabasa ako na nakasagot ng mga tanong ko, sabi dun sa isang post about sa pagfake ng pagdalo ni Ka Felix sa PSR, hindi naman ganoon ka-luwag ang institutusyon na yon para magbigay ng impormasyon sa kung sino sino lamang. Lumang issue na din pala yung mga laman nung website na yun, ngayon ko lang nabasa HAHA yung tipong konti mali lang na ginamit na wording sa Pasugo kumpara sa ibang edisyon e PAPALAKIHIN na nila. Lahat nalang talaga gagawin para matinag ang tunay na Iglesia ni Cristo.